July 24, 2024 - Suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno at klase sa lahat ng antas sa National Capital Region (NCR), Region 3 (Central Luzon) at Region 4-A (Calabarzon) bukas, July 25, dahil sa patuloy na pag-ulan dala ng Southwest Monsoon at Typhoon Carina.
Ito ang inanunsyo ng Office of the Executive Secretary ngayong Miyerkules.
Nilalayong matulungan ng suspensyon ang mga pagsisikap ng gobyerno at pribadong sektor sa pagsagip, pagbawi, pagtulong, at rehabilitasyon.
Gayunpaman, patuloy ang operasyon ng mga ahensyang nagbibigay ng pangunahing serbisyo, serbisyong pangkalusugan, paghahanda at pagtugon sa kalamidad, at iba pang mahahalagang serbisyo.
Samantala, nakasalalay sa desisyon ng mga pinuno ng pribadong kumpanya at opisina kung sususpindihin din ang trabaho sa kanilang mga establisimyento.
No comments:
Post a Comment