PhilHealth Konsulta Package: Magkaroon ng Kalidad na Pangangalagang Pangkalusugan sa P1,700 Lang Taon-Taon!

Mabuting balita para sa mga miyembro ng PhilHealth! Ang PhilHealth Konsulta (Konsultasyong Sulit at Tama) Package ay nagbibigay ng access sa primary care benefits tulad ng check-up, health screening and assessment, laboratory, at gamot na naaayon sa health risks, edad, at pangangailangan ng pasyente.

Paano Mag-avail ng PhilHealth Konsulta Package:

  1. Magparehistro sa isang accredited Konsulta Package Provider (KPP). Maaari itong gawin online sa PhilHealth Member Portal (self-assignment), sa pamamagitan ng employer kung employed, o sa pamamagitan ng pagbisita sa nearest Local Health Insurance Office (LHIO) para sa manual registration at ATC (Authorization Transaction Code). Ang ATC ay kinakailangan para magamit ang benepisyo at dapat dalhin sa bawat pagbisita sa KPP.

  2. Ang ATC ay maaari ding ma-request sa PhilHealth Action Center via e-mail sa actioncenter@philhealth.gov.ph.

Magkano ang maaaring magamit sa PhilHealth Konsulta Package?

Ang updated benefit package ay P1,700 kada tao bawat taon. Kung ang isang miyembro ay may isang dependent o higit pa, magkakaroon ang bawat-isa ng parehong benepisyo. Ang nasabing benepisyo ay direktang babayaran ng PhilHealth sa accredited KPP.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang PhilHealth website: https://www.philhealth.gov.ph/

Ang PhilHealth Konsulta Package ay isang mahusay na paraan upang matiyak na ang lahat ng Pilipino ay may access sa kalidad na pangangalagang pangkalusugan.